Knights nakauna sa NCAA

SA kabubukas na 88th season NCAA seniors basketball ay bumungad agad ang dikdikang labanan kung saan ay ginulat ng host Letran Knights ang last year’s runner-up San Sebastian College Stags 80-74 kagabi sa Araneta Coliseum.

Kitang-kita kay Knights head coach Louie Alas ang kasiyahan dahil nagawa pa nitong maglambing sa kanyang anak na si Kevin Alas sa post game interview.

“Buwaya ka lang,” patungkol ni coach Louie kay Kevin na tumikada ng career-high 31 points.

Umarangkada agad si Alas ng 16 puntos matapos ang second canto para umabante ang Knights, 39-29.

“Medyo gigil pa ako nung una kasi gusto ko agad maka score pero nung mag time-out eh naisip ko ‘yung mali ko.” wika ng batang Alas.

Nag-iba ang ihip ng hangin sa third canto ng maagaw ng Stags ang lamang 53-50.

Unang field goal ni reigning MVP Stag power forward Calvin Abueva sa third canto ng isalpak ang 12-foot jumper may 8:03 pa sa oras.

Hindi naman nawalan ng loob ang Knights at nagtuloy pa rin ang mainit na laro ni Alas sa fourth period.

Pumukol ng dos si Alas para itabla ang score sa 57, naging 59 all pa bago kumalas ang Knights sa Stags.

Tumikada ng 9-0 run ang Knights para iwanan ng tuluayan ang Stags, 68-59 may 4:55 na lang sa oras.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply