Koko nililigawan na rin ng NP ni Villar

NILILIGAWAN ng Partido Nacionalista ni Senador Manny Villar si Senador Koko Pimentel upang sumanib sa
partido.

Sa kabila ng paanyaya ng Nationalista muling nanindigan si Senador Pimentel na hindi nito iiwan ang kanyang partido na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ayon sa nakababatang Pimentel, ito na ang pangalawang partidong nag-aalok sa kanya  matapos niyang ihayag ang mariing pagtutol sa pagkakabilang kay dating Senador Migz Zubiri bilang kandidato  ng United Nationalist Alliance (UNA).

Samantala, sinisikap pa rin ngayon ni dating Pangulong Joseph Estrada na pag-ayusin sina Senador Koko at dating Senador Migz lalo’t isa nang ganap na accredited coalition ang UNA base sa naging resolusyon ng Commission on Elections (Comelec).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply