Koko tatanggapin ng LP

DALAWANG kamay na tatanggapin ni Pangulong Benigno Aquino III  si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III  sa ruling Liberal Party (LP) matapos itong umalis ng partidong United Nationalist Alliance (UNA) nina Vice-President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa text message, sinabi ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas na palaging bukas ang administrasyon kay Pimentel.

“I think the President will graciously welcome Senator Koko if he should decide to join the administration senatorial ticket for 2013,” ani Llamas.

Sinabi pa ni Llamas na sina Pangulong Aquino at Senador Pimentel ay kapuwa may parehong malinis na adbokasiya at prinsipyo lalo na sa electoral fraud, impunity at pagpo-promote ng mas kapani-paniwala at transparent na electoral system.”

“I’m sure the President understands the sentiments of Senator Koko regarding the inclusion of several questionable personalities in the UNA (United Nationalist Alliance) slate which go against his principles and values,” pahayag ni Llamas.

Ang  UNA ay coalition na binuo ni Vice President Jejomar Binay (Partido Demokratikong Pilipino-Laban) at dating Pangulong Joseph Estrada (Pwersa ng Masang Pilipino).

Sinusugan naman  ni Budget Secretary Florencio Abad ang pahayag ni Llamas. Ayon kay Abad,  bukas ang LP kay Pimentel kung interesado ito.

“We just gave him time to sort out his situation with UNA. Now that he has made up his mind, there is room for talks and that will happen soon,” sabi ni Abad.

Si Abad ang tumatayong LP campaign manager noong  2010 presidential elections at dating pangulo ng partido.

Si Pangulong Aquino na ngayon ang  chairman ng LP.

Sa ulat, iginiit naman ni Senador Pimentel  na hindi niya iiwan ang PDP-Laban, kung saan siya ay pangulo.

“Di ko iniwanan ang partido ko. Ang balak ko, ako’y tatakbo bilang kandidato ng PDP-Laban so pag-aralan na lang kung may legal problems… Hihimayin namin ang coalition agreement word per word. Nung binasa ko naman ang coalition agreement sa palagay ko pwede,” aniya.

Ayon kay Pimentel, maaaring magsalang ng sariling kandidato ang PDP-Laban.

“We did not lose our identities. Ang ibig sabihin lang naman ng approval ng registration ng coalition is it will be treated as a political party for purposes of that election,” ani Pimentel.

Nauna ng inihayag ni Comelec chairman Sixto Brillantes Jr. na maaari umanong magsalang ng sariling kandito ang UNA at ang mga partido nito.

Ayon kay Pimentel, hindi niya planong sirain ang pinagkasunduan ng dalawang partido.

“Yan naman ang pangako ko kay President Estrada na ‘yung pag-atras ko as UNA senatorial candidate hindi ko kukuwestiyunin o guguluhin ‘yung coalition ng PMP at PDP-Laban. So ako lang po ang maaapektuhan dito,” aniya.

Aminado si Pimentel na mas mataas ang kanyang tyansa na manalo sa eleksyon 2013 kung mayroon siyang endorsement ni Estrada, Binay, at Senate President Juan Ponce Enrile, na miyembro rin ng UNA, ngunit isusugal na lamang niya ito.

“Ganyan naman ang buhay… Sometimes you cannot have it all,” aniya.

“Nobody forced me to leave. Desisyon ko lang ito. I want to campaign with a happy heart. Gusto ko sa kampanya happy ako,” dagdag niya.

Ayon sa senador, hindi pa siya nakatanggap ng pormal na imbitasyon mula sa Liberal Party ngunit siya ay “open for adoption by everybody.”

Maliban kay Zubiri, isasalang din ng UNA sina San Juan Rep. Joseph Victor “JV” Ejercito, Cagayan Rep. Jack Enrile, Zambales Rep. Mitos Magsaysay, Cebu Governor Gwen Garcia, kasalakuyang senator Gregorio Honasan, at Joey de Venecia.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply