Komite sa SALN sa Kamara kumpleto na

OPOSISYON ang itinalaga ni House Speaker Feliciano Belmonte na manguna sa komite na bubuo ng tuntunin ukol sa paglalantad ng statement of assets, liabilities and networth (SALN) ng mga kongresista.

Nakapaloob sa Special Order no. 05-12 na pirmado ni Belmonte na magsisilbing chairman ng naturang komite si Bohol Rep. Erico Aumentado na siya ring chairman ng House Ethics Commitee, habang miyembro sina Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, Batangas Rep. Tomas Apacible, Nueva Ecija Rep. Roldolfo Antonino at Cagayan de oro Rep. Rufus Rodriguez.

Si Aumentado ay miembro ng minorya sa Kamara.

Ang nabanggit na komite ang tututok sa pagrerepaso, at compliance procedures na may kinalaman sa SALN hindi lamang ng may 284 na mga kongresista, kungdi sa mga opisyal, empleyado at staff ng Mababang Kapulungan.

Ang pagtatalaga sa mga kongresista ay alinsunod sa Section 10 ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Inaatasan ang mga nabanggit na kongresista na determinahin kung naisumite sa takdang panahon o deadline ang SALN; kung kumpleto at nasa tamang form; at kung hindi tumalima ay pagsabihan upang makagawa ng corrective action.

Bukod dito, kailangang sumulat ang komite sa sinumang hindi makasusunod sa panuntunan, na may approval ng mayorya ng mga miyembro ng Kamara.

At huli, kailangang bumuo ang komite ng Rules and Procedures para sa paglalantad sa publiko ng kopya ng SALN ng lahat ng miyembro, opisyal, empleyado at staff ng Kamara.

Matatandaang nabatikos ang Kamara makaraang tumanggi ang ilang kongresista na isapubliko ang kanilang SALN noong kasagsagan ng Corona Impeachment Trial.

Subalit para kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino, ang ganitong gampanin ay ginagawa na ng tanggapan ng Secretary-General ng Kamara.

Kahit wala aniya ang komite ay nananatili ang batas na ang kailangang isapubliko ang SALN ng mga public officials.

“A request is made, verified and recorded by the Sec Gen, then the SALN is released to the requesting party. How hard is that? Committee or not, the bottomline is that SALN should be made available to the public,” giit ni Casino.

Nagiging palusot na lamang aniya ang pagbuo ng komite.

“If you don’t want to get things done, create a committee to do it.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply