Kondisyon sa pautang sa IMF, isapubliko

NANAWAGAN si Isabela Rep. Rodolfo Albano sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ilantad sa publiko ang ‘terms and conditions’ sa pagpapautang ng $1 bilyon sa International Monetary Fund-World Bank (IMF-WB).

Binigyang diin ni Albano na marapat na ilabas ng BSP ang lahat ng detalye sa pagpapautang para na rin sa ‘transparency.’

Kapag nailabas,aniya, ng BSP ang mga kondisyon sa nasabing pagpapautang, maliliwanagan ang publiko kung ano ang mga benepisyong makukuha dito ng bansa.

Kabilang, aniya, sa mga dapat ipaliwanag ng BSP kung short o long term ba ang loan at ano ang interest rate payment ng pautang.

Giit pa ng kongresista, hindi sapat ang pagtitiyak ni BSP Governor Armando Tetangco na maibabalik ang pera na may kasamang interes.

Sinabi rin ni Albano na hindi masisisi ang ilang mambabatas at kritiko na batikusin ang balak ng pamahalaan na pagpapautang ng pera sa IMF dahil kung tutuusin ay mas kailangan ito ng bansa para tugunan ang suliranin sa kahirapan, unemployment, at marami pang iba.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply