Konsehal pisak sa dump truck sa Camarines Sur

AGAD na nasawi ang isang barangay councilor sa San Fernando, Camarines Sur makaraang masagasaan ng dump truck.

Nakilala ang biktima na si Brgy. Councilor Elizalde Flora, 50, ng Barangay Bucal, nasabing bayan.

Nabatid na nag-overtake umano si Flora sa isang dump truck ngunit dumulas ang gulong ng minamaneho nitong motorsiklo dahil sa mga binibilad na palay sa kalsada dahilan upang mahulog siya sa kanyang sasakyan.

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nakaiwas pa ang driver ng trak at dire-diretsong dinaanan ng gulong ng naturang sasakyan ang ulo ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Samantala, nagkaroon ng minor injuries ang back rider ni Flora na si Mary Jane Delos Santos na agad namang isinugod sa Bicol Medical Center (BMC).

Nasa kustodiya na ng San Fernando-PNP ang driver ng truck na nakilalang si Francis San Andres ngunit wala naman umanong planong magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply