Koreana natagpuang patay sa condo sa Mandaluyong

BANGKAY na nang matagpuan ang isang Koreana sa kanyang mismong condo unit sa Mandaluyong.

Nabatid na nakitang nakahandusay at walang saplot sa pang-ibaba si Liro Dah lee,32-anyos,ng kanyang mga kaibigan sa condo unit nito.

Nakabukas pa umano ang pinto ng unit at nakikita nilang hindi nagpumilit na pumasok ang may kagagawan ng krimen. Wala ring nawawalang kagamitan ang biktima kung kaya malabong pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang.

Wala ring nakitang sugat sa katawan o kahit anong nangyaring bayolente sa Koreana.

Sumailalim sa awtopsiya ang biktima kung saan hinihintay ng mga awtoridad ang resulta nito habang nakatakdang imbestigahan naman ang itinuturong kasintahan ng Koreana na isa ring Koreano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply