Koreano arestado sa panggugulo, ‘di pagbabayad ng bill sa bar

BINITBIT ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 39 anyos na Koreano matapos na manggulo at hindi magbayad ng kanyang ininom sa loob ng isang KTV bar kaninang madaling araw sa Ermita, Maynila.

Kasalukuyang pinipigil ng MPD-General Assignment Section (GAS) ang suspek na si Jung Wun Sup, isang Casino Agent ng 161 Quezon Bonifacio Heights, Taguig City dahil sa reklamo ni Aron Solis, 30, waiter ng Hee KTV.

Sa report ni SPO1 Jonathan Bautista ng MPD-GAS, dakong 2:30 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa lob ng Hee KTV sa 1506 M. H. Del Pilar St., Ermita, Manila.

Nabatid na pumasok ang suspek sa bar dakong alas 12:05 at dumiretso sa VIP at umorder ng King Dom 12 Whisky na nagkakahalaga ng P3,000 at nang maubos ay muling umorder ng tatlong San MIg Pale Pilsen (P300) prutas (P1,000) at VIP room na nagkakahalaga ng P2,500 na may kabuuang P6,800.

Nang magsasarado na ang nasabing bar ay ibinigay ni Solis ang chit ng suspek subalit imbes na nagbayad ay sumigaw ito ng “Shibal Sikyu” na pagmumura sa salitang tagalog.

Hindi pa nasiyahan ang suspek, dumukot ng pera sa kanyang bulsa ng P100 na sa pag-aakala niya ay P1,000 at isinampal ito sa mukha ng waiter sabay ng pagsasabing “you want this one”.

At dala rin ng kalasingan, pinagtatadyakan nito ang mga upuan at lamesa at nagbasag ng mga bote dahilan upang i-report sa pulisya na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Kasong estafa thru non payment of food and drinks at alarm and scandal ang isinampang  kaso laban sa suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply