Korte magpasya kay Gloria – Sen. Escudero

IPINAGDIINAN ni Senador Chiz Escudero na ipaubaya na sa korte ang usapin sa kung dapat ba o hindi ilagay sa regular na kulungan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Escudero na walang ibang dapat magpalabas na desisyon sa dapat paglagyan sa dating pangulo kundi ang korte lamang.

Naniniwala si Escudero na masyado nang lugmok ang dating pangulo kaya wala nang dahilan para pahirapan ng husto si Arroyo.

Nauna rito, tinututulan din ni Senate President Juan Ponce Enrile ang plano ng Commission on Elections (Comelec) na ilagay sa ordinaryong selda si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Enrile, delikado ang plano ng Comelec lalo’t magiging pananagutan ng pamahalaan kung ano man ang mangyaring hindi maganda kay Ginang Arroyo sa sandaling ilipat iyon sa regular na selda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply