Kotse sinalpok ng 2 trak: 1 sugatan

NAGTAMO ng mga sugat ang isang lalaki makaraang banggain ng dalawang trak ang sinasakyan nilang kotse sa southbound lane ng Roxas Boulevard, Pier 15 sa Maynila, kaninang madaling araw.

Nakilala ang sugatan na  driver na si Jeric Shornak, 23, nang masalpok ang minamanehong itim na Honda City na may plakang YBZ 125.

Maswerte ring hindi nasaktan ang sakay nitong babae, na tumangging ibigay ang pangalan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lasing ang naturang driver dahilan para maaksidente ito.

Bahagyang nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply