Kotse sumalpok sa pader, 2 patay

DEAD on the spot ang dalawang sakay ng Honda Civic matapos na sumalpok sa pader ng parking lot ng isang bangko sa Barangay West Triangle sa Quezon City kaninang madaling araw.

Isa lamang sa dalawang namatay ang nakilala ng mga awtoridad na si Michael Angelo Sy, na nakilala mula sa isang identification card ng DOTC at ang kasama nito na hindi pa nakikilala.

Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng sasakyan (TER 520) at may iniwasan umano itong motorsiklo dahilan para mawalan ng kontrol at tuluyang bumangga sa pader ng bakuran ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa nasabing lugar.

Halos magkayupi-yupi ang pangarerang kotse dahil sa lakas ng pagkakasalpok sa naturang pader.

Isinugod pa sa East Avenue Medical Center ang mga biktima subalit hindi na ito umabot pa ng buhay sa naturang ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply