Krisis sa kuryente, resolbahin na – Rep. Suarez

HUWAG ng hintayin pa ni Pangulong Aquino ang kanyang State of the Nations Address (SONA) sa Hulyo bago ihayag ang mga plano ng pamahalaan laban sa napipintong power crisis sa Luzon at Metro Manila.

Sa lingguhang press conference, inihayag ni House Minority Leader Danilo Suarez na dapat pagtuunan ng pansin ni PNoy ang napipintong power crisis ngayong lumalala ang sitwasyon dahil sa pagkakaroon ng brownouts.

Giit ng mambabatas na wala pa siyang nababalitang contingency plans ang gobyerno para maiwasan o maresolba ang problema bago pa man ito tuluyang lumala.

Apela pa ni Suarez na hindi rin aniya dapat hintayin ng pangulo na dumating ang SONA bago niya iayag sa bayan ang kanyang mga plano para maresolba ito dahil baka maging huli naman na ang lahat o malala na ang sitwasyon.

Mas kailangan, aniya, ng bansa ang isang lider na magkaka-isa sa bansa at hindi maging daan para magkawatak-watak pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply