Kritiko ni LeBron James tameme sa Game 6

PINUTAKTE ng mga kritiko si LeBron James matapos ang Game 5 dahil nakabingit ang Miami Heat na malaglag ng ilista ng Boston Celtics ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven 2011-12 NBA Eastern Conference Finals.

Hindi naman nasira ang diskarte ng NBA MVP na si James dahil pinasan nito ang Heat sa Game 6 para silaban ang Celtics, 98-79 kaninang umaga at makahirit ng do-or-die match.

Tumikom ang bibig ng mga kritiko ng mangalabaw si James ng 45 puntos, 15 rebounds at limang assists.

Uuwi ang Heat sa Miami upang doon tapusin ang Game 7.

Sa laro kanina, may 30 puntos na agad si James sa first half kung saan tumikada ito ng 6 of 7 sa field goal sa first canto.

Si Rajon Rondo naman ang nanguna sa opensa para sa Celtics na may 21 points at 10 assists habang sina Kevin Garnett at Brandon Bass ay may tig-12 points.

Minalas naman si Celtic forward Paul Pierce na bumira lamang ng siyam na puntos, (4-of-18 sa shooting) kaya naman abante ang Heat, 55-42 matapos ang second period.

Ayon sa mga NBA analyst, kahit hindi malasin si Pierce ay tatalunin ng Heat ang Celtics dahil sa ipinakitang laro ni James.

”I hope now you guys can stop talking about LeBron and he doesn’t play in big games,” wika ni Celtics coach Doc Rivers. ”He was pretty good tonight. So we can put that to bed and go play Game 7.”

Samantala, 28 minuto lang naglaro si Chris Bosh subalit nakapuntos pa rin ito ng pito at nakapagbigay ng anim na importanteng rebounds.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply