Kudos sa Malabon drug busters

KAMAKAILAN ay nilusob ng pinagsanib na mga puwersa ng kapulisan at pamahalaan ang isang illegal drug laboratory sa Malabon.

Nakitaan ang nasabing drug lab sa No. 27-B Araneta Avenue, Potrero, Malabon ng 35 kilo na nagkakahalaga ng P240 million.

Bukod pa ito sa mga gamit at milyong halaga ng mga kemikal sa paggawa ng shabu na kilala rin sa tawag na metamphetamine hydrochloride.

Ang shabu lab discovery at millions-worth drug haul ay maituturing na malaking accomplishment sa panig ng pambansang kapulisan.

At kung may dapat purihin, makatanggap ng pabuya at ma-kakuha ng promosyon, ito ay si S/Supt. Ferdinand Ampil at mga tauhan.

Hindi biro ang makadiskubre ka ng pagawaan ng shabu at makakumpiska ka ng daang milyong halaga ng droga at gamit sa paggawa.

Kumbaga, kailangan mong magpakahirap nang todo para suungin ang napakadelikadong pakikipagtuos sa sindikato ng droga.

Sa madali’t sabi, ang buhay ng isang pulis na tumatrabaho para sugpuin ang kalakaran sa droga ay mapanganib.

Yan ang ginawa ng Station An-ti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ng Mala-bon City police.

Bravo dahil sila’y nagtagumpay sa ikinasang trabaho laban sa drug ring na kinakitaan ng drug lab sa Araneta Ave., Potrero.

Walang sinayang na sandali si SAID-SOTG head SPO2 Alberto Napomuceno at mga tauhan para sa napakalaking accomplishment na ito ng pulisya.

Dapat lamang na mabanggit din natin ang mga kasama ni Sgt. Nepomuceno na sina police offi-cers Carlito Gatchalian, Allan Fernandez, Ricky Pelicano, Marius Sigua, Isagani dela Cruz at Edward Daza.

At siyempre, dahil sa maga-ling na pamamahala ni Col. Ampil, kaya naging matagumpay ang drugs haul na ito ng Malabon police.

‘Di rin nakaligtas kay Malabon Acting Mayor Lenlen Oreta ang accomplishment na ito ng pulisya ng Malabon.

Kaya sa flag raising ceremony kanina sa Malabon City Hall, pinuri at ginawaran ng butihing acting mayor ng pagkilala sina Col. Ampil at mga tauhan na responsable sa nasabing drug bust.

Ang ating taus-pusong paghanga kina Col. Ferdinand Ampil at mga tauhan sa Malabon City police…mga sir…good job. Kudos sa pulisya ng Malabon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply