Kumpiskadong iligal na kahoy, ipinamahagi ng DENR

PALAYAN City-IPINAMAHAGI ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mahigit 5000 board feet ng sari- saring uri ng nakumpiskang ilegal na kahoy sa lokal na pamahalaan ng Gabaldon, Department of Education (DepEd) at Armed Forces of the Philippines dito sa probinsya.

Pinangunahan ni Rafael Otic, Provincial Environment and Natural Resources Officer o PENRO Nueva Ecija, tinanggap ang mga nakumpiskang kahoy ng mga hepe ng naturang mga ahensya.

Ang tumanggap sa Department of Education ay si Gng  Teresita Domingo, principal ng Carranglan Central School, sa LGU naman ay si Mayor Rolando Bu ng bayan ng Gabaldon, at sa AFP ay si Brig.General Allan R. Luga, Commanding general ng 7th infantry division.

Ang mga nakumpiskang illegal na kahoy ay nakatambak lamang sa depository area ito ng 7thInfantry division sa Fort Magsaysay sa Palayan City.

Ang pamamahagi ng mga kahoy ay alinsunod sa isinagawang Memorandum of Agreement o MOA na pinirmahan ng mga pinuno ng mga ahensya ng goberyerno.

Ayon Otic, napagkasunduan umano ng kanilang tanggapang na ipamahagi na lamang ang mga nakumpiskang illegal na kahoy kaysa ito ay mabulok sa imbakan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply