Kung si Jopay dance instructress na lang: Dating EB Babe na si Lian PR girl naman

BEFORE, dahil silang dalawa ni Rochelle Pangilinan ang madalas na bida sa bawat season ng Daisy Siete, naging malaking artista itong si Jopay Paguia. Kaso mo, nung time ng kanyang kasikatan ay madalas itong mag-inarte at may mga dialog pa siyang hindi raw niya feel mag-artista at gustong mag-negosyo na lang.

Lalo nang tinamad ang magaling pa namang dancer-actress nang dumating sa buhay niya ang kanyang Papa labs na si Joshua Zamora. Dito na pinursue ni Jopay ang cart business na siopao at somai. Well, wala naman tayong paki kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Kaya lang, malaking opurtunidad ang kanyang sinayang sa kanyang pagiging actress pa naman. We heard na aside sa kanyang negosyo ay abala rin si Jopay sa pagtuturo ng sayaw sa mga aspiring dancers.

Yes, dance instructress na ngayon ang dating alaga ni Tita Joy Cancio.

Samanta, ang byuti at sexy ex-member ng EB Babes ng Eat Bulaga na si Lian Paz na misis na ng actor na si Paolo Contis, PR job naman ang pinagkakaabalahan ngayon. Yes, kung saan-saan lugar raw nakakarating itong si Lian na minsan inaabot pa ng gabi para lang makakuha ng kliyente. Sa buhay nating ito, kanya-kanya tayo ng diskarte. Kung doon masaya sina Jopay at Lian, good for them. Wa na ako talk gyud!

***

Ngayong naghihirap na, mabuo pa kayang muli ang pamilya ni Donya Trining sa ‘Valiente’?

MABUTI na lang at sa operasyon na pinangunahan ni Theo (Oyo Sotto) sa pagtutulak ng illegal drugs ay nahuli ang lider ng pangkat nila na si Gener at taong gustong maglaglag sa kanya sa kasamaan na si Dexter (Andrew Shimmer).

At kahit na balik uli siya sa hirap, masuwerte pa rin itong si Theo at binigyan siya ng isa pang pagkakataon para talikuran ang trabahong labag sa kanyang konsensya. Ang mag-tiyuhing sina Mang Damian (Michael de Mesa) at Vivian (Sunshine Garcia) ang mga kasama ni Theo patungo sa tuwid na landas ng kanyang buhay. At kaya naman pinasok niya ang illegal na trabahong ito ay para matulungan ang kanyang mga kapatid na sina Leona (Nina Jose) at Maila (Nadine Samonte) ganoon na rin ang naghihirap rin nilang ina na si Trining (Jacklyn Jose) na nasa poder naman ni Peping.

Patuloy sa pagliit ang mundo ngayon ni Trining. Kung noon ay kaya niyang bilhin ang lahat dahil sa marami siyang salapi. Ngayon, ultimo kahuli-hulihang alahas ay naibenta na nito ng barya-barya may makain lang. Hanggang kailan daranasin ni Trining ang buhay ng isang kahig, isang tuka?

At si Leona, ano na ang kanyang gagawin ngayong pinalalayas na siya ng kapatid na si Gardo Braganza (JC de Vera) sa Villa? Babalik kaya siya sa poder ni Maila sa Bahay Pangarap? At ano ang puwedeng gawin ngayon ni Gardo para manumbalik ang pagmamahal ng muhing-muhi sa kanyang si Maila?

Ngayon nasa week 18 na ang Valiente at pasok na ang character rito ni Ms. Lorna Tolentino bilang si Mila Regalado-Arden, ano ang kanyang magiging papel sa nasabing drama series at bakit galit na galit siya kina Trining at Gardo? Aba’y abangan at panoorin ang lahat ng ‘yan sa Valiente. Gabi-gabi pagkatapos ng Wiltime Bigtime sa TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply