La Mesa Dam nasa red alert status na

NASA red alert status na sa kasalukuyan ang La Mesa Dam bunsod ng magdamagang pag-ulan  dala ng Hanging Habagat kasabay ng paglabas ng bagyong Butchoy.

Base sa pahayag ni Personnel on Duty Jun Nuñez, ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), tumaas na sa sukat na 79.77 meters kaninang alas-7:00 ng umaga ang tubig sa naturang dam na halos malapit na sa spilling level na 80.16 meters.

Kaugnay nito, nagpakawala na rin ng tubig ang Ipo Dam simula kaninang mag-aalas-6:00 ng umaga na may 47.9 centimeters na dami ng tubig.

Inaasahan namang magpapakawala rin ang tubig ang Bustos Dam, na isa sa mga sumasalo ng tubig mula sa Ipo Dam.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply