Lacierda: PHL vessels na umalis sa Panatag ibalik

KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangang ibalik ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard (PCG) na umalis sa Panatag Shoal dahil kay Super Typhoon Butchoy.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, ito ay para palakasin ang claim ng Pilipinas sa eksklusibong economic zone nito.

Gayunman, hindi sigurado ang Malakanyang ani Lacierda kung muling ibabalik sa Panatag o Scarborough Shoal ang mga barko sa oras na makaalis sa teritoryo ng bansa ang bagyo.

Aniya, kailangan muna nilang hintayin ang re-evaluation ng Office of the President, Department of Foreign Affairs, Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at PCG.

“So, I can’t speak categorically at this point with respect to our vessels whether they’re going back or not,” anito.

Sa kabilang dako, ikinatuwa naman ng China ang pag-pull out ng Pilipinas sa mga sasakyang pandagat ng bansa sa Panatag Shoal.

Hindi naman naniniwala si Lacierda na kailangan pang ipaalam sa gobyernong China na walang kinalaman ang pinagtatalunang Panatag Shoal sa pagpapaalis sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply