Palasyo sa CBCP: Mandatory waiver sa SALN basahin muna

NAKIUSAP ang Malakanyang sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na basahin muna ang nakapaloob sa mandatory waiver sa statement of assets, liabilities ang net worth na isinusumite sa Office of the Ombudsman bago pa nito hamunin si Pangulong Benigno Aquino III na pumirma sa waiver para mabuksan ang kanyang bank accounts.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang isinumiteng SALN ng Pangulo ay may kaakibat na komprehensibong waiver para mabusisi ng Ombudsman ang kanyang taglay na yaman.

Ayon kay Lacierda, tulad ng pahayag ng Pangulo, hindi na kailangan ang waiver dahil makukumpara naman ang mga deklaradong assets ng Pangulo sa kanyang kinikita.

Hindi rin umano katiyakan ang waiver dahil ang matatalinong magnanakaw ay hindi naman magdedeposito ng nakaw na yaman sa sariling account.

Kaya, makakabuti aniya na hayaan munang amyendahan ng mga mambabatas ang batas hinggil sa SALN para mas maging epektibo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply