Laguna board member inambus

NASA kritikal na kondisyon pa rin si Laguna 3rd district Board Member Reynaldo Paras matapos ang pananambang sa kanya dakong alas-8:20 kagabi na ikinasawi ng kanyang bodyguard sa San Pablo City.

Sa ulat ni P\Supt. Ferdinand de Castro kay Laguna Police Provincial director P/SSupt.Gilbert Cruz, palabas na si BM Paras sa pag-aaring Farmacia Isabela nang salubungin siya ng apat na armadong lalaki at pinagbabaril.

Maagap namang nasaklolohan ng driver/bodyguard na si Giovanni Dumaraos, 44, ng Brgy. IV-C, San Pablo ang board member kaya siya ang napuruhan ng mga tama ng bala.

Bagaman sugatan, nagawang gumanti ng putok ng 55-anyos na board member na ikinasugat ng isa sa mga gunman.

Pagkaraan ay nagsitakas ang mga salarin ngunit natunton ang isa sa kanila na kinilalang si Eugene Bacoto, 25, ng San Luis, Dasmarinas, Cavite habang nagpapagamot sa isang ospital dahil sa kanyang tama ng bala.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung pulitika ang motibo sa pananambang o dahil sa pagiging dating pulis ni Paras.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply