Lalaki arestado matapos mahulihan ng IED sa Labo, CamNorte

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Camarines Sur Provincial Police Office ang isang lalaki matapos na makuhanan ng improvice exploive device habang dinadalaw ang isang kaibigan na nakakulong sa Labo Municipal Police Station sa nasabing lalawigan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Nakakulong na ngayon ang suspek na si Anthony Ramos, 22 anyos ng 4A, Barangay Tulay na Lupa sa bayan ng Labo kasama ang kanyang mga binibisitang kaibigan sa Labo Municipal Police Station sa Camarines Norte makaraang mahulihan ng mga gamit sa pampasabog.

Sa ulat ni P/Chief Insp Honesto Garon, tagapagsalita sa Camarines Norte Police Provincial Office, sinabi nito na ang suspek ay bibisita lamang sana sa kanyang mga kaibigan.

Subalit sa isinagawang inspeksyon ng mga desk officer ay nakapkap sa kanya ang improvised explosive devices.

Kabilang sa mga nakuha ang tatlong time fuse, color red blasting na may habang 41 inches, dalawa pang blasting cap na may habang 4cm at apat na ammonium nitrate na may bigat na 250 grams.

Makaraan ng pangyayari, agad na inaresto ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply