Lalaki kalaboso sa panglalamas sa dalagita

SWAK sa kulungan ang isang 25 anyos na lalaki matapos ireklamo ng isang dalagita ng panglalamas sa maseselang parte ng kanyang katawan Martes ng gabi, Hunyo 5, sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse si Mark Gerald Cabotaje, 25 ng Orchid Lane, Reparo ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, nakatayo ang biktima edad 16 sa Reparo rd., ng lungsod nang lapitan at paglalamasin ang mga maseselang parte ng katawan ng suspek.

Nagawang makatakbo ng biktima at nagsumbong sa mga barangay tanod at nang respondehan ay nadakip ang suspek at dinala sa presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply