Lalaki muntik suwagin

NAHAGIP ng isang truck ang motorsiklong ipinarada ng isang lalaki habang ito ay umiihi sa gilid ng isang kalsada sa Bagong Bayan, Quezon City kaninang madaling araw .

Namumutla pa ng magsadya ang may-ari ng motorsiklong si Noel R. Oro, 31, na nakatira sa Rd.29 Lt 2 Blk 53 Cogeo Village, Antipolo City sa himpilan ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit para magreklamo.

Sa testimonya ni Oro, nangyari ang insidente dakong 1:00 ng madaling araw kanina sa kahabaan ng E. Rodriguez St. Libis, Brgy. Bagong Bayan QC. .

Aniya, dahil sa tawag ng kalikasan ay iginilid niya ang kanyang minamanehong Honda 100 na motorsiklo sa gilid ng nasabing kalsada para umihi .

Habang siya ay umiihi nagulat na lamang siya ng bigla na lamang kinaladkad ng isang track ang kaliwang bahagi ng kanyang motorsiklo na halos madurog ito.

Dahil dito, pinilit niyang makuha ang plaka ng humaharurot na  sasakyan pero hindi na niya nagawa ito dahil hindi pa niya naitataas ang kanyang pantalon ng mga sandaling iyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply