Lalaki nagbigti sa sobrang selos

UPANG ipakita kung gaano niya kamahal ang kanyang live in partner, nagbigti sa punong mangga ang isang lalaki sa bayan ng Milaor lalawigan ng Camarines Sur.

Subalit sa basa ng mga imbestigador, sobrang selos na hindi makayanan ang nagtulak sa biktimang si  Solitario Saholga, 36 anyos, ng Sibugay Zamboanga upang magpakamatay.

Ayon sa Naga PNP, posibleng selos ang pinag-ugatan ng pagpapakamatay ng lalaki base na rin sa salaysay ng kinakasama nito na kinilalang si Jennelyn Indap.

Sa salaysay ng ka-live-in na siya mismong ng nakadiskubre sa bangkay ni Saholga, madalas umano nagseselos ang lalaki kahit wala naman dapat na pagselosan.

Napag-alaman na kapwa taga-Zamboanga ang mga ito at nagtatrabaho sa isang kompanya subalit naninirahan ngayon sa Zone 5, Barayo, Barangay San Antonio, at dalawang buwan pa lamang na nagsasama.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng Naga PNP upang matiyak na walang foul play sa likod ng nasabing suicide.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply