Biktima ng salvage napulot sa Kyusi

PINANINIWALAANG sinalvage ang isang miyembro ng Akyat bahay gang matapos madiskubre ang bangkay nito sa Quezon City kaninang madaling araw (Hunyo 23).

Inilarawan ang hindi nakikilalang lalaki na tinatayang  25-30 anyos, may katamtamang pangangatawan, nakasuot ng itim na T-shirt at short pants at may markang itim sa kanyang leeg na pinagpapalagay na bakat ng pagkakasakal ng alambre o lubid.

Wala namang ideya pa ang Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

Nadiskubre ang naturang bangkay dakong alas-5:00 ng madaling araw ng isang ayaw magpakilalang kasambahay sa isang madamong lugar sa Barangay Greater Fairview.

Ayon dito, papunta siya sa bakery para bumili ng pandesal nang mapansin niya ang bangkay na nakadapa sa damuhan kaya ipinagbigay alam niya agad ito sa awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng scene of the Crime Operatives, natagpuan sa tabi ng bangkay ang isang kulay asul na bag na may laman na isang screw driver, pliers, at isang electrical cord.

Bukod dito, may nakita rin sa loob ng bag na isang cardboard na may nakasulat na isang babala para sa mgamiyembro ng Akyat Bahay Gang na magbago na ng buhay bago mahuli ang lahat.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply