Lalaki natagpuang patay sa pampasaherong dyip

ISANG 50-anyos na mendicant ang natagpuang patay sa loob ng isang nakaparadang pampasaherong jeepney sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw (June 8).

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang nakilala lamang sa alias “Totoy”, may taas na 5’6, tinatayang 45-50 anyos at nakasuot ng kulay gray na chekered short.

Sa report ni SPO4  Bernardo Cayabyab ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 12:45 ng madaling araw nang nadiskubreng patay ang biktima sa loob ng isang nakaparadang jeepney (TVJ 608)  sa kanto ng J. Abad Santos at Soler Sts., Tondo.

Ayon kay Gander Diones, may-ari ng nakaparadang jeepney, pinuntahan niya ang kanyang sasakyan para sana ilabas nang nakita ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa loob ng kanyang jeepney.

Nabatid na ang biktima ay dating helper ng Vinon trucking subalit nang ito ay ibenta ng may-ari ay nawalan na rin ito ng trabaho hanggang sa nanghihingi na lamang ng awa sa mga tao.

Gayunman, imbes umano na pagkain ang binibili nito sa kinikita mula sa panghihingi ay alak ang kanyang ginagawang pagkain.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply