Lalaki patay, isa sugatan sa riding in tandem sa Caloocan

TODAS agad ang isang mister habang  sugatan naman ang isang dalagita ng tamaan ng ligaw na  bala matapos pagbabarilin ng malapitan ang una ng riding in tandem Sabado ng hapon June 2 sa Bagong Silang, Caloocan City.

Dead on spot sanhi ng mga tinamong bala sa katawan si Amid Tabo-Tabo, 39, may asawa, ng Blk 20, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Habang ginagamot naman sa East Ave. Medical Center sanhi ng tinamong tama ng di pa batid na kalibre ng baril sa hita si Mary Ann Luyunan, 17, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas 4:00 ng hapon ng maganap ang krimen sa phase 5 ng nasabing barangay.

Nabatid bumili ng karne ang biktima habang pasakay ito sa kanyang motor biglang dumating ang riding in tandem na salarin at  walang sabi-sabi malapitang binaril si Amid na agad ikinasawi nito.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa hita si Mary Ann habang ito ay kumakain sa isang karinderia malapit sa pinangyarihan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motor na  hindi na-plakahan.

Inaalam ng mga otoridad ang tunay na motibo sa pamamaslang sa biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply