Lalaki timbog dahil sa 10 stick ng marijuana sa NAIA

INARESTO ng mga tauhan ng Police Center for Aviation Security (PCAS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang pasahero sanhi sa sampung stick ng marijuana, ayon sa pulisya kahapon.

Ang suspek na nakilalang si Kenneth T. Jao, ay nakatakda sanang sumakay sa Cebu Pacific flight 5J-343 patungong Kalibo, Aklan noong Sabado ng gabi nang mahulihan ito ng marijuana.

Dakong alas-6:10 ng gabi nang dumating sa NAIA terminal 3 ang suspek kasama ang ilang hindi nakikilalang mga kaibigan para magtungo ng Boracay.

Nabatid na habang nasa final security check na ang mga ito, at kinakapkapan, napansin ang isang maliit na lata na pinaglagyan ng tuyong dahon ng mga marijuana na dala ni Jao.

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug enforcement Agency si Jao para sa kaukulang disposisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply