Lalaki utas sa 2 kasugal sa Kyusi

TODAS ang isang lalaki makaraang pagtulungang saksakin ng kalaro nito sa sugal sa Quezon City kahapon ng hapon (Hunyo 10).

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa FEU hospital ang biktima na si Rico Saklot,37, mensahero ng Tumana, Brgy. Bagong Silangan, QC dahil sa tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente dakong 5:00 ng hapon kahapon malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Sinabi sa ulat na nakikipaglaro ng sugal ang biktima sa dalawang lalaki na kabarangay nito at nakilala ang isa sa alyas na Jorge.

Bigla umanong nagtalo ang tatlo hinggil sa nangyayaring dayaan sa kanilang laro hanggang sa mauwi sa suntukan at pagtulungan ng mga suspek ang biktima.

Hindi pa nakuntento at humugot ng patalim ang isa sa mga suspek bago inundayan ng sunod-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima.

Kaugnay nito patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga pulis sa kaso habang inalam pa rin ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na nakalaro ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply