Lalaking may sakit sa pag-iisip, binaril, todas

TODAS ang isang dating mental patient matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek sa Malabon City, Sabado ng gabi, Hunyo 16.

Dead on arrival si Al Anthony Durero, 25 ng Phase-3, Gozon cmpd., Tonsuya sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi, nakatayo ang biktima sa Flovi Homes, Tonsuya nang putukan ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PLM.

Nabatid na dating pasyente ang biktima sa National Mental Hospital kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply