Landmine sumabog, 4 parak sugatan

SUGATAN ang apat na pulis kabilang ang kanilang hepe makaraang masabugan ng landmine sa Jabonga, Agusan del Norte kaninang alas-8:30 ng umaga.

Nakilala ang mga sugatan na sina Jabonga chief of police Insp. Ernesto Telano at mga tauhan nitong sina PO1 Gozon, PO1 Adorable at PO2 Llagas na pawang dinala sa Kitcharao District Hospital.

Nabatid na nakatakdang magsilbi sana ng warrant of arrest sa Brgy. San Roque, Kitcharao ng naturang lalawigan ang mga pulis nang maganap ang insidente.

Papunta na sana ng Kitcharao Municipal Police Station ang patrol car na sinakyan nina Telano upang makipag-coordinate sa gagawing pag-serve ng arrest warrant, ngunit pagdating nila sa Purok Uno, Sitio Sugod, Brgy. San Roque ay biglang sumabog ang isang landmine na sinundan naman ng mga putok ng armas mula sa bukiring bahagi ng naturang lugar.

Gumanti naman ng putok ang mga nasabing pulis sabay lumikas sa naturang lugar upang isugod sa ospital ang kanilang mga kasamahan.

Narekober ng rumespondeng mga pulis ang isang hindi pa pumutok na landmine sa pinangyarihang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply