Lastimosa inangat ang Blazers

MALAS sa free throws si Carlo Lastimosa subalit nagawa pa rin nitong iangat ang College of Saint Benilde Blazers laban sa Lyceum of the Philippines Pirates 70-61 kahapon sa 88th NCAA senior basketball tournament na ginanap sa The Arena sa San Juan.

Bokya sa first at third canto si Lastimosa subalit bumuhos ito ng 10 sa kanyang 14 points sa final quarter upang ilista ang 1-0 win-loss card.

Bokya sa unang canto at apat na puntos lang sa second period si Blazer guard Lastimosa kaya hindi sila makalayo sa makulit na Pirates sa half time, 33-31.

Wala pa ring basket si Lastimosa sa third quarter kaya naman naagaw ng Intramuros-based Pirates ang abante papasok ng fourth canto, 53-49.

Hindi naman nawalan ng kompiyansa si Blazer coach Richard Del Rosario kay Lastimosa dahil sinabihan niya ito na maging agresibo sa last quarter.

Ayon pa sa coach ng Blazers bukod kay Lastimosa, ay ang magandang depensa nila sa huling canto ang naging susi sa kanilang panalo.

Nagsalansan din si Lastimosa ng tig-anim na rebounds at assists habang si Juan Taha ay nag-ambag ng 11 points at apat na rebounds.

Si Chris Cayabyab naman ang nanguna sa opensa para sa Pirates na may tinikadang 13 markers, walong rebounds at tatlong assists habang pumangalawa si Shane Kho na may 11 pts., limang boards at apat na assists.

Samantala, sa second game, naitakas ng Emilio Aguinaldo College Generals ang una rin nilang panalo laban sa Arellano U Chiefs, 75-72.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply