Legal assistance itinatag sa Quiapo Church ng Simbahang Katolika

MAKAPAGBIBIGAY na rin ng tulong legal ang Simbahang Katoliko para sa mahihirap na Pinoy.

Ito’y kasunod nang pagbubukas ng Minor Basilica of the Black Nazarene ( Quiapo Church) ng kanilang Ministry for Legal Assistance nitong Huwebes, na matatagpuan sa ikatlong palapag ng bagong tayong Benedict XVI Building sa Quiapo Church Compound, at may numerong 733-4945 local 318 o 319.

Nabatid na ang launching ng ministry ay isinabay sa kaarawan ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle, bilang regalo sa kaniya, gayundin sa kapistahan ni St. Aloysius Gonzaga

Ayon kay Msgr. Jose Clemente Ignacio, Rector ng Minor Basilica, mismong si Tagle ang humiling na magtatag sila ng ganitong tanggapan upang matugunan na rin ng simbahan pangangailangan ng mga mahihirap na hindi kayang magbayad ng legal services.

Labis naman ang pasasalamat ni Tagle sa ginawa ng Quiapo Church dahil ito’y isang napaka-espesyal aniyang regalo para sa kaniyang kaarawan.

Sa mensahe ni Tagle sa launching at blessing ng tanggapan, pinasalamatan din nito ang San Beda College of Law sa pamamagitan ng rector nito na si Fr. Aloysius Maranan, OSB, sa commitment nito na makapagbigay ng libreng legal assistance sa mga deboto ng Poong Nazareno at mga mahihirap na parishioner ng Archdiocese of Manila, sa pamamagitan ng kanilang mga law student interns at law faculty alumni.

Dumalo sa launching ng ministry ang 45 graduating students ng The College of Law ng San Beda, gayundin ang mga staff at volunteers ng Restorative Justice Ministry of Caritas Manila.

Bumisita naman si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rene Sarmiento, miyembro ng Faculty of Law of San Beda College, sa bagong tanggapan at nag-alok rin ng kanyang serbisyo dito.

Nangako pa si Sarmiento, na miyembro rin ng Constitutional Convention of 1987, na magkakaloob ng oras at serbisyo sa ministry.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply