Bianca Gonzalez, Annabelle Rama kinasuhan ng libelo ni Amalia Fuentes

PORMAL na naghain ngayon ng reklamo sa Quezon City Prosecutors Office ang dating beteranang aktres na si Amalia Fuentes laban sa TV host na si Bianca Gonazalez at talent manager na si Annabelle Rama.

Lumutang sa tanggapan ni Asst. City Prosecutor Liasim Omar Basa si Fuentes, Amalia Muhlach (tunay na pangalan) kasama ang kanyang mga abogadong sina Ian Mateo at Jerimmy Rosario bago naghain ng 1 count na kasong libelo laban kina Gonzalez at Rama.

Nag-ugat ang nasabing kaso sa inilabas na artikulo ni Bianca Gonzalez sa pahayagang Philippine Star na umano’y isang mapanirang artikulo sa lifestyle page ng pahayagan.

Nakasaad sa artikulo na patay na patay pa rin umano at madalas makipag-date noon si Fuentes kay Eddie Gutierrez , kahit na nakikisama umano noon si Fuentes sa asawa niyang  si Joey Stevens.

Habang naglagay naman ng mapanirang pahayag si Rama laban kay Fuentes sa Twitter account nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply