Liberal Party 2 ulit binasted ni Aga Muhlach

DALAWANG beses tinanggihan ng aktor na si Aga Muhlach ang alok ng Liberal Party (LP) na tumakbo sa hanay ng kanilang partido bilang senador sa darating na 2013.

Ito ang kinumpirma ni Camarines Sur Gov. Ray Villafuerte.

Ayon kay Villafuerte, mismong si Muhlach ang nagsabing handa na siyang pumasok sa pulitika subalit hindi sa mas mataas na posisyon kundi sa kanyang distrito lamang.

Una rito, kinumpirma ni Interior ang Local Government Secretary Jesse Robredo ang naging pag-uusap nina Transportation and Communications Secretary Mar Roxas at Muhlach hinggil sa naturang alok.

Nilinaw pa ni Villafuerte na ang makakalaban lamang ni Muhlach sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur ang nagpapalabas ng balitang tatakbo umano sa pagkasenador ang aktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply