Libong residente sa Pasay nanumpa sa PDP-Laban

PINANGUNAHAN ni Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Secretary Vice President Joey de Venecia III ang partidong politikal sa lungsod ng Pasay.

Kasabay nito, sumama na sa partido ang humigit kumulang sa l,000 residente na nanumpa sa partido na magbibigay suporta sa PDP-Laban.

Kaugnay nito, pinangunahan ni de Venecia ang ginawang panunumpa sa partido ng negosyanteng si Jorge Del Rosario na tumatayong kinakatawan sa lungsod.

Ayon kay de Venecia ang partido ay nagsimulang itinatag noong rehimeng Marcos na nag-aklas sa diktatura ng dating Pangulo.

Sinabi pa ni de Venecia na malaki ang paniniwala niyang muling sisigla ang samahan sa pamumuno ni Del Rosario na nagsusulong para pag-isahin ang mamamayan at pasiglahin ang partido sa lungsod ng Pasay.

Sa paglutang ng bagong sibol sa PDP-Laban na pinamumuuan ni Vice President Jejomar Binay bilang Chairman, sumuporta na rin ang Non-Government Organization (NGOs) pati na ang mga kilalang negosyante para itaguyod ang liderato ni Del Rosario.

Ang panunumpa ni Del Rosario ay sinaksihan ng mga kilalang lider politiko tulad ni dating konsehal Jojie Claudio, Dodie Puno, Chack San Juan, Louie Golez at iba pa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply