Libreng pagpapaopera sa katarata

PARA sa mas produktibong Marikenyo, ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng Office of the Vice Mayor (OVM) at sa tulong ng Rotary Club of Marikina District 3800 ay magkatuwang na itinataguyod ang proyekto para sa libreng operasyon sa katarata.

Layon ng nasabing proyektong ito na makapagbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga Marikenyong walang sapat na kakayahang makapagpaopera.

Ang mga nais magpatala ay maaaring magtungo sa tanggapan OVM o sa barangay na kinabibilangan, at dalhin ang Clinical Abstract at Letter of Indigency na mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Bago ang operasyon, isang screening ang isasagawa ni Dr. Jimmy Capco ng Rotary Club of Marikina District 3800 tuwing Sabado, mula ika-5 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi.

“Ating ginagawa ang proyektong ito upang tulungan ang mga kapus-palad nating mga kababayan dito sa lungsod upang sila ay muling makakita nang maayos, makapamuhay nang normal, at maging produktibo,” wika ni Vice Mayor Jose Fabian Cadiz.

Sa kasalukuyan, may 10 residente ng Brgy. Tumana ang unang makatatanggap ng serbisyong medikal na ito.

Ang halaga ng operasyon sa katarata ay umaabot sa PhP15,000 sa mga pribadong ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply