Lim walang pantapat kay Isko Moreno

PARANG hilong talilong pa rin si Manila Mayor Alfredo Lim sa paghahanap ng ipantatapat kay Vice Mayor Isko Moreno.

Hindi kasi mapasusubalian na naging matapat na lingkod ng bayan naman si Isko Moreno magmula noong manungkulan ito bilang konsehal hanggang sa marating nito ang posisyon ng pangalawang punong lungsod ng Maynila.

Kahit ang mga anak-pawis na siyang pinagmulan ni Moreno ay hindi pa rin lumilihis ng landas sa dating basurero dahil hanggang ngayon ay nakikita pa rin naman nila ang malasakit sa kanilang hanay.

Malinaw naman sa mga taga-Maynila ang pagsusumikap ni Isko na paunlarin ang siyudad dahil patuloy nila itong nakadadaupang-palad sa pamamagitan ng pag-iikot sa iba’t ibang distrito ng lungsod lalo’t higit sa pagbibigay ng mga proyekto ng batang bise alkalde.

Kahit ang baranggayan sa Maynila ay buo ang suporta kay Isko dahil malinaw naman sa kanilang hanay na ang kanilang vice mayor lamang ang nakaiintindi at tumutulong sa kanilang mga programa at proyekto.

Sa maikling salita, patok si Isko Moreno sa lahat at iyan ang dahilan kung bakit walang makitang ipantatapat sa kanya si Lim.

Hindi rin katulad si Isko ng ibang politiko na kilala lamang ang mamamayan kapag eleksyon.

Ipinakita rin ang angking liderato ni Isko noong sumama sa kanya ang may 28 na konsehales sa panunumpa at paglipat kay dating pangulong Joseph Estrada sa halip na magpaiwan kay Lim.

Ibang klaseng tapang at determinasyon ng 28 konsehales ng lungsod sa pagsama nila kay Isko sa halip na kay Lim magpaiwan dahil alam naman nating lahat na ang hari ang nagbibigay ng ayuda sa mga konsehales at mga punong lungsod.

Iyan ang angking liderato ni VM Isko dahil hindi naman siya sasamahan ng kanyang mga kasamahan sa konseho kung walang mga nakikitang future sa kanya ang Maynila?

###

Bakit kaya ayaw ni Vice President Jojo Binay kay Justice Antonio Carpio bilang kahalili ni Renato Corona?

Ito ngayon ang tanong ng madla dahil very vocal ang Bise Presidente sa pagkontra sa appointment ni Carpio bilang Chief Justice.

May takot kaya ang dating pinuno ng Makati na naging pangalawang pinakamataas na lider ng bansa kay Carpio?

Ito ang mga tanong na dapat nating pakaabangan dahil tiyak na may kinalaman ito sa protesta ni Sec. Mar Roxas.

###

Sa mga nagnanais ng pagkalinga ng pitak na ito,maaari ka-yong mag-email sa baranga-yanni_isko@yahoo.com o mag- text sa 09336363310.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply