Live coverage sa botohan ng JBC tinutulan

HINDI pabor si Justice Secretary Leila de Lima na i-live sa radio at telebisyon ang mapipiling susunod na Chief  Justice ng bawat miyembro ng Judicial and Bar Council.

Ayon kay De Lima, isa sa mga miyembro ng JBC, hindi na mahalaga ang live coverage sa indibidwal na boto ng mga miyembro ng JBC.

Malalaman naman umano ang boto ng bawat miyembro ng JBC dahil ilalagay din ito sa website ng JBC.

Naniniwala si De Lima na kailangang may limitasyon ang media live coverage sa pagpili ng JBC ng susunod na Punong Mahistrado.

Para kay De Lima, ang importanteng makita ng publiko ay ang panel interview sa mga aplikante.

Iginiit ni De Lima na kailangang malinaw na nakasaad sa guidelines na ilalabas ng JBC ang  mga limitasyon at safeguard hinggil sa live coverage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply