Live coverage sa pagpili ng CJ mabuting hakbang — Magsaysay

PINURI ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang desisyon na payagan ang live coverage ng pagpili ng bagong Chief Justice dahil ito ay makalilikha ng kamalayan ukol sa proseso ng pagpili ng Punong Mahistrado at magbibigay ng ideya kung gaano ka-kwalipikado ang mapipiling bagong Chief Justice.

“Napakaraming pangalan ang pinagpipilian sa ngayon at marami rito ay hindi kilala ng mga masang Pilipino. Ang live coverage ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon na matimbang kung karapat dapat bang maupo bilang pinuno ng pinakamataas na korte sa bansa ang mapipili,” aniya.

Inihambing ni Magsaysay ang coverage sa mga ipinapalabas na debate sa telebisyon lalo na sa panahon ng eleksiyon kung saan nalalaman ng mga tao ang mga plano at plataporma ng mga kandidato. Ganoon din aniya ang mangyayari sa iinterview-hin na nominado.

“Hindi lamang ito magdudulot ng transparency ngunit magtatanggal pa ng duda sa isip ng mga tao ukol sa kwalipikasyon at pagiging karapat dapat ng sinumang mauupo bilang Chief Justice. Maaring sa huli,  hindi man maging masaya ang lahat ng tao sa magiging desisyon ng Pangulo, kahit paano ay matitimbang ang batayan ng pagpili sapamamagitan ng live coverage.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply