Live-in-partner pinagahasa sa bespren

TODO tanggi ngayon ang isang 17-anyos na lalaki na inaakusahang kusang ipinagahasa ang kanyang live-in partner sa matalik na kaibigan sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sarangani province.

Base sa ulat, nagharap ng sumbong ang biktimang si Amor, 21-anyos sa isang himpilan ng Sarangani PNP kaugnay sa umano’y naganap na panghahalay sa kanya ng kaibigan ng ka-live-in.

Ayon kay Amor, ipinagahasa siya ng kanyang kinakasama sa mismong kaibigan nito na nakinilala lamang sa pangalang Randal.

Sa salaysay ng biktima, kasalukuyan siyang natutulog sa balkonahe na kanyang hinigaan at ng maalimpungatn ay nagpasyang lumipat sa kanilang kuwarto at sa pag-aakalang ang lalaki sa loob ng silid ay kanyang live-in-partner ay walang anomang tumabi na siya para ituloy ang tulog.

Inamin nito na niyakap siya ng naturang lalaki at bigla ring hinalakan at mabilis na hinubaran ng damit.

Dito umano niya nahalata na iba ang kilos ng lalaking a pumatong sa kanya hanggang sa mapuwersa itong maipasok ang kanyang pagkalalaki bagamant pinilit niyang manlaban.

Iginiit ng live-in partner nitong si Jay R, na hindi niya nakita na ginahasa na pala ang kanyang kinakasama dahil sa sobrang madilim ang paligid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply