Lola minanyak ng 27-anyos na kelot sa Iloilo

HINDI pinatawad ng isang 27-anyos na binata ang isang 87-anyos na lola na tinangka nitong halayin para lamang mairaos ang kamumduhan sa Iloilo City.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame huli sa aktong kinukubabawan ng suspek na hindi nakuha ang pangalan ang biktima, ng Maasin, Iloilo.

Ayon kay P/ Sr.Insp. Ariel Corcino, hepe ng Maasin Municipal Police Station, mismong ang anak ng biktima ang nakakita sa ginawa ng suspek.

Anang anak ng biktima, naabutan niya ang suspek na nakapatong sa kanyang ina at iginiit  ang ari nito sa matandang babae.

Dahil dito, hinampas ng anak ang suspek kaya mabilis nakatakas.

Sa salaysay naman ng lola sa mga pulis, nagkwento ito na pinahawakan pa umano sa kanya ng suspek ang ari nito bago siya tinangkang gahasain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply