Lolo huli sa pangmomolestiya sa 6-anyos na pamangkin

ISANG lolo ang ipinagharap ng reklamong panghahalay matapos na maaktuhang minomolestiya ang kanyang anim na taong gulang na pamangkin sa Masbate.

Ayon sa police report, nahuli ng kapatid ng biktimang itinago sa pangalang Amor ang pangmomolestiya ni Jimmo Camacho alyas Lolo Mimoy dahilan para isumbong niya ito sa kanyang ina.

Sinasabing sinubukan pa umano ng suspek na suhulan ng P1,000.00 ang kapatid ng biktima para hindi ito magsumbong ngunit hindi tinanggap ng bata.

Nabatid na iminungkahi ng mga imbestigador na isailalim sa medical legal examination at nagpositibong minolestya ang biktima.

Sa ngayon, nahaharap na sa kasong panggagahasa si Lolo Mimoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply