Lolo na nanghalay sa 3 menor de edad, arestado sa Caloocan

SWAK sa kulungan ang isang lolo matapos itong arestuhin ng mga tauhan ng warrant section ng Caloocan matapos nitong paulit ulit na pagsamantalahan ang 3 niyang menor de edad na babae na  kapwa  pamangkin ng kanyang asawa may  pitong taon na nakakalipas.

Ganap na alas 4.30 kamakalawa ng hapon ng arestuhin ng  mga tauhan ni Sr.Insp.Reynaldo Valdez ng warrant section si Crispin Morales, 67, ng Bagong Silang Caloocan City dahil na sa besa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Anres Bartolome Soriano  ng Caloocan  Regional Trial Court branch 124,

Nabatid, pormal na nagharap ng reklamo ang tatlong (3) batang biktimang babae na may edad na 13, anyos,14, at 5 anyos pa lamang sila ng paulit-ulit na pagparausan ng suspek sa loob ng bahay nito ..

Base sa talaan ng korte noong nakaraang 2005 ng mangyari ang paghahalay ng suspek sa 3 pamangkin ng kanyang asawa.

Sa pag timbang timbang ng korte ay napatunayan na si Moralaes ay nahaharap sa 20 count of rape kaya lumabas ang kanyang warrant of arrest nito lamang Mayo 2012.

Nakakulong na ngayon si Morales sa Caloocan Bureau of Jail Management ng Caloocan City. At walang piyansa sa kanyang pansamantalang kalayaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply