Lolo nanghalay ng menor de edad, arestado

INARESTO ng mga pulis ang  isang 67 anyos na lolo ng halayin niya ang isang menor de edad na  may diprensensiya sa pag iisip sa lalawigan ng Camarines Sur mahigit anim na taon na ang nakalilipas, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Base sa ulat bandang alas 9:00 ng umaga kahapon,  inaresto ang suspek na kinilalang si Pablito Guavez, ng Zone 6, Adapon St. Barangay Balaogan sa bayan ng Bula sa bisa ng pinalabas na warrant of arrest.

Nabatid na nagpalabas ng warrant of arrest si Hon Judge Jose Cerilla Camarines RTC laban sa suspek kaugnay sa umanoy ginawa nitong pangagahasa sa batang si  Amor hindi nito tunay na pangalan.

Napag-alaman na taong 2005 nang mangyari ang panghahalay ng lolo sa menor de edad na umano’y may diperensiya sa pag-iisip.

Sinasabing sinamantala ng lolo ang kakulangan sa pag-iisip ng bata ng hatakin niya sa isang kubling lugar ang menor de edad at doon ay pinagsamantalahan.

Matapos na mabulgar ang kanyang ginawa ay mabilis na nagtago ang suspek hanggang sa maaresto ito ng mga tauhan ng Bula PNP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply