Louella Albornoz nagbabalik sa local showbiz!

NAKATUTUWANG kausap ang veteran comedienne na si Louella Albornoz na sumikat noong MID-80s pero nagbabalik sa  local showbiz via the soap Makapapiling Kang Muli ng GMA7.

Nakahuntahan namin si Louella sa 10th birthday party ni Yogo Sigh sa Max Restaurant sa Scout Tuason kamailan lang. Nakatutuwa siyang kakuwentuhan dahil lagi siyang may punchline na ibibigay. Matatawa kang talaga!

Barkada ni Louella sina Jake Tordesillas at Direk Maryo J. delos Reyes nang mahabang panahon na.

Nagkahiwalay ang magkakaibigan nang nagpasya si Louella at ang kanyang husband na si Andrew Angeles na makipagsapalaran sa America para roon manirahan. Nabiyayaan ng apat na anak ang mag-asawa.

Matatandaang umalis ng bansa si Louella noong late 80s just when her career as a comedienne was peaking.

Pumunta sa party ni Yogo si Louella dahil sa invitation ni Direk Maryo J, na ngayo’y manager ng bagets.

Gulat kami kay Louella dahil ‘di nagbago ang kanyang magandang mukha. Medyo lomobo lang siya dahil raw masarap kumain sa America.

Ayon kay Jake, arch-rival ni Louella sa pagiging No.1 comedienne noon si Debra Liz. Parang Susan at Amalia o Nora at Vilma ang rivalry nilang dalawa.

Bago nag-showbiz si Louella, active member siya ng PETA kung saan napansin siya ng mga director na sina Lino Brocka, Maryo J. delos Reyes, at Soxy Topacio na may ibubuga sa larangan ng pagpapatawa.

Si Direk Maryo J. unang nag-cast kay Louella bilang support player sa Agrix Films project na Apat Na Maria kung saan bida sina Lorna Tolentino, Charo Santos at iba pa. Naging hit ang movie kaya napansin siya nang husto at naisama agad sa Nora Aunor movie na Totoo Ba ang Tsismis?

Sidekick ni Nora ang role niya. Bukod pa rito, laging kasama si Louella sa mga pelikulang pinagsamahan nina Nora at Direk Maryo J. at kabilang dito ang Annie Batungbakal, Bonga Ka Day at ang kaisa-isahang movie na pinagsamahan ni Ate Guy at ng legendary Reycard Duet, ang Ibalik Ang Suwerte.

Dahil sa comedy sense ni Louella, highly recommended ni Joey de Leon siya para sa mga movie na Give Me Five at Iskul Bukol Freshman. Pati si Chichay nung panahon ng komedyana, nagsabi itong si Loeulla ang hahalili sa kanyang trono. Namumukod tangi kasi siyang nakapagpatawa sa nasirang komedyana.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, may guest role siya agad sa GMA7 soap na Makapiling Kang Muli.

Nakuha rin siya agad sa isang commercial na malapit nang i-air.

Nakatutuwang sa pagpasok niya sa Makapiling Kang Muli, director niya si Ricky Davao na kasama niya sa movie na Totoo Ba ang Tsismis? Si Ricky noon ay ginu-groom ng matinee idol.

Dahil sa Totooo Ba ang Tsismis ay nagsimula ang friendship nila ni Nora. Dahil super close sila ni Ate Guy, naging daan ang Superstar para matuloy ang pagma-migrate ng mag-asawang Louella at Andrew. Si Ate Guy ang nagbigay ng round trip ticket patunong Los Angeles, California.

Ang dating unang alok ni Ate Guy na pagbabakasyon lang ng dalawa, nauwi na sa paninirahan doon.

Nakapagtrabaho agad kasi si Louella bilang teacher dahil graduate naman siya ng B.S. Mass Communication sa Maryknoll College.

Sa ngayon, dalawa ang trabaho niya sa America: bilang instructional assistance special education at on-call librarian sa apat na library sa kanilang lugar.

Pumunta sa Pilipinas si Louella last April 2012 para asikasuhin ang may sakit na ina pero pumanaw rin ito last May 6. Nakabakasyon lang sa Pilipinas ang comedic actress pero dahil sa sunud-sunod na apportunity na dumating sa kanyang career, pwedeng ma-extend pa ang bakasyon till end of July.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply