Lover ni misis utas kay mister

NAKIKIPAG-INUMAN sa dalawang kapitbahay ang 48-anyos na security guard nang ratratin ng mister ng umano’y kalaguyo nito sa Binondo, Manila, kagabi (Hunyo 8).

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center, sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan ng biktimang si Arnold Caballero at residente ng Area-H Gate 64 Parola Compound, Binondo.

Samantala, mabilis namang tumakas ang tatlong hindi pa nakikilalang suspek matapos ang pamamaril.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Ramir Dimagiba kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Unit, dakong alas-6:30 ng gabi, nang maganap ang pamamaril sa biktima habang nakikipag-inuman ito sa dalawa nitong kapitbahay.

Bago ang nasabing krimen, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek na umano’y asawa ng isang “Udang” na umano’y lover ng biktima.

Sa puntong ito, nilisan na ng suspek ang lugar at naiwan ang biktima na umiinom na sa loob ng kanilang bahay.

Ilang sandali lang ang nakakaraan, bumalik ang suspek, kasama ang dalawa pa at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala si Caballero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply