Lovers timbog sa pambubugaw ng menor

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija- Nadakip sa entrapment operation na inilatag ng pulisya ang magka-live-in na nagbubugaw ng mga menor-de-edad sa kanilang mga parokyano sa isang gasolinahan sa Maharlika Highway corner Bonifacio St., Barangay Abar 1st, ng lungsod na ito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang naaresto na sina Princess Collado y Ayson, 28-anyos at Mark Ryan dela Cruz y Layag, 28, kapwa ng Zone 1, Sanchez St., Barangay Crisanto Sanchez, sa siyudad na ito.

Inaresto ang dalawa ng San Jose City Police dakong alas-2:00 ng hapon makaraang tanggapin ang marked money na iniabot sa kanila ng police asset na nagpanggap na kostumer.

Nahaharap ngayon sa paglabag sa RA 9208 o anti-trafficking in Persons Act of 2003 ang dalawang suspek.
Nabatid na nahuli ang dalawa sa tulong ng isang 17-anyos na dalagita na biglang umuwi ng kanilang bahay makaraan ang tatlong araw na pagkawala nito.

Ang first year college student na ito ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya ng kanyang ama at nagsabing si ‘Ate Princess’ o ang nahuling suspek na si Collado ang responsable sa kanyang pagkawala.

Sinabi ng dalagita na sa pamamagitan ng text message sa cellphone ay ikinalakal o ibinenta siya ni Collado sa mga lalaking ‘mahusay magbayad.’ Limang beses umanong nasadlak sa prostitusyon ang dalagita at pinagkakitaan ng dalawang suspek.

Dahil sa mga naibigay na detalye ng biktima ay mabilis na umaksyon ang pulisya at nadakip ang magka-live-in.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply