Loyal sa boyfriend at walang weather sa intriga!

ENJOY raw si Solenn Heusaff bilang karagdagang miyembro sa Dabarkads ng Eat Bulaga. Tungkol nga rito ang una niyang naikuwento nang makapanayam naming recently. “Okey naman,” masigla niyang pahayag. “Enjoy ako kasi mabait silang lahat. Tapos natututo ako ng Tagalog do’n.

“Mas better na ang Tagalog ko ngayon. Hindi pa masyadong fluent yet pero baka in the long time…Pero at least ngayon, naiintindihan na ako ng lahat. May mga malalim na Tagalog words na itinuturo sina Ruby (Rodriguez) at Julia (Clarete), ganyan. So masaya talaga ako sa Eat Bulaga.

“Right now, kapag may prompter or something, puwede kong mabasa in Tagalog. Pero ‘pag adlib-adlib, medyo Tag-lish pa ako!” nangiting sabi pa nga niya. “Pero talagang silang lahat sa Eat Bulaga, mabait sa akin. Parang pamilya silang lahat.

“So… kapag may newcomer, hindi sila ‘yong… ay, sino ‘yan! ‘Yong gano’n? Super-welcoming silang lahat.”

Nu’ng malaman niya na magiging miyembro na rin siya ng Eat Bulaga family, ano ba ang kanyang naging first reaction?

“I was a bit nervous kasi alam ko… puro Tagalog. Tapos ‘yong show na ‘yan, more than three decades nang pinaka-watch na television show sa Philippines. Bata pa ako, may Eat Bulaga na. So… I never thought that I will be in Eat Bulaga ever!” sabay ngiti ulit ni Solenn. “Pero ngayon na nando’n na ako, I’m super happy.”

Kapag may bagong female co-host na pumapasok sa Eat Bulaga, hindi maiwasang intrigahin at i-link kay Bossing Vic Sotto. “No one links me!” agad-agad na reaksiyon niya. “It’s just the press that makes something like that.”

Hindi nga malayong maugnay siya kay Vic lalo na’t balitang single na naman ito. Maugong ang usap-usapan na break na raw ang TV-host/comedian at ang rumored girlfriend nitong si Pauleen Luna. “E ako… may boyfriend!” sabay tawa ni Solenn.

Hindi kaya i-connect ang pagpasok niya sa Eat Bulaga sa rumored break up nina Vic at Pauleen? May tsismis na nga recently nagselos raw sa kanya itong si Pauleen? “A… no. That’s also what some people are starting to talk about. Pero nag-usap kami ni Pauleen. And I said… ano ba ‘yan? Bakit may gano’n? Tapos, hindi ko alam. Baka para sa news lang.

“So… we know how showbiz is. There’s really a lot of tsismis-tsismis.”

‘Yong boyfriend niya, paano nagri-react sa mga pagkakataong may kung anu-anong tsismis o intriga about her?

“Uhm… wala siyang paki. And I keep my private life private. So whatever happens in work, I take care of it.”

Hindi ito nagtatanong kahit halimbawa ay may nali-link nga siya sa kung kanino man?

“Hindi. Alam naman niya na gano’n talaga sa showbiz. At saka super-supportive siya. Gano’n din naman ako sa kanya,” panghuling nasabi ni Solenn.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply