LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo

MALAKI ang posibilidad na maging bagyo ang sama ng panahon na namataan sa silangan ng Mindanao.

Ito’y kahit malayo pa ang low pressure area (LPA) para makaapekto sa bansa.

Natukoy ang sentro ng LPA sa Marshall Islands sa West Pacific Ocean na patuloy na umuusad papuntang Pilipinas.

Samantala, bahagyang gumanda ang lagay ng panahon sa Pilipinas ngayong araw, bagamat inaasahan pa rin ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa Northern at Central Luzon dahil sa epekto ng hanging habagat.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay may kaunting kaulapan partikular sa Visayas at Mindanao ngunit maliit ang posibilidad na magkaroon ng pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply